Wednesday, February 15, 2012

Iba't-ibang uri ng Pasahero sa Jeep.. ^_^


Marami ang ibat ibang uri ng tao ang sumasakay sa jeep.. Sa ngayon eto muna ang ilan sa mga uri ng pasahero sa jeep na nakakasalamuha natin araw-araw. Eto sila;

IDLE MODE
- Hala sige nganga pa at papasukan na yang bibig mo ng langaw. Isaka talagang certified MASA ka masandal tulog!. No wonder at up and down and movement ng ulo mo at maya-maya babagsak na yan sa balikat ng katabi mo. Or bigla ka nalang mapapayuko ng sobra na tila gusto mo ng ilapit ang ulo mo sa tyan mo at biglang <boom> Magigising ka nalang at magkukunwaring parang walang nangyari. Either kukunin mo ang phone mo or may ichecheck kunwari sa bag! hahaha. Palusot.com... </boom>

BUKAKA KING AND QUEEN
- Sila ang mga taong feeling nila sumakay sila ng taxi o nabili na nila ang jeep. Ang sikip na nga at pilit mo na silang sinisiksik ayaw parin nilang iayos ang pagkakaupo. Iisang pwet na nga lang upo ko eh.. kahit anung usog mo. bukaka pa din ang mga ungas..

ARAL MODE
- gawain natin toh.. e2 ung mga taong di nag rereview sa bahay.. laro ang inatupag or nuod ng movie buong gabi..Wala silang pakialam sa mga nangyayari sa jeep basta focus sa pagrereview, may exam kasing dapat ipasa. partida maglalabas pa yan ng calcu. or sa jeep na din gagawa ng kodigs.. imba naman.. lantaran?? haha 

KAYOD KALABAW
- sila ang mga chikiting na humihingi satin ng konting barya.. ung iba merun pa nga sobre... last week nakaranas ako nyan sa may quirino.. pinunasan pa nya ung mga sapatos nung nakasakay.. eh walang nagbigay.. aun inapakan nya ulet ung mga sapatos sabay baba.. imba noh? 

TIGHT ANG BUDGET
- “Manong kulang pa ng Piso!” hahaha Sila ang mga pasaherong tight ang budget. Although wala namang masama sa pagtitipid. Kaso lang sisigaw pa yan at sasabihin kay mamang drayber na hindi cya tamang magsukli at malalaman mo nalang PISO lang pala ang kulang.. galit pa yan tapos masama tingin...

MEGAPHONES
- Sila ang nagbibigay buhay sa loob ng jeep, maliban nalang sa soundtrip ni kuya drayber na kadalasan ay love song o kaya naman ay remix ng kung ano anong tugtugan (gangster pa kadalasan). Haha. Napakalakas ng boses nilang mag-usap, e magkatabi / magkatapat lang naman sila. At eto pa hindi pa nakuntento at tatawa pa yan. Hanggang sa pagbaba walang bukang bibig kundi ang maiinit na topic sa buhay nila.. 

HIGH BLOOD
- e2 ung mga taong galit lumampas lang ng konti sa babaan nila.. ayaw maglakad..Bawal nga po dun magbaba kasi po huhulihin si manong drayber. Lumampas lang po ng kaunti galit agad? hahaha kung mahuli kayu,, mas abala sayu di lang sa sau pati sa iba...

COMATOSE
- e2 ung mga taong ayaw mag abot ng bayad.. kahit manigas at mangawit pa kili kili nung nag babayad ayaw pa din kunin.. e2ng si kalikot sa bag, nag tetext at kung anu pang palusot.. kaasar un.. pag ako nilalakasan ko boses na nakaharap sa kanya para matauhan.. 

SIKSIK PA
- “O tatlo pa.. tatlo pa…” edi sakay ka naman. Malalaman mo nalang na wala ka na palang mauupuan kundi ang napakaliit na espasyo na kahit ang binti mo ay hindi na ata magkakasya. kahit wala na sisiksik pa din.. makasakay lang..kaw naman cyempre uusog kahit wala na uusugan.. 


BUDOL - BUDOL
- Hindi sila holdaper at lalong hindi snatcher. Hahaha. Sila ang mga pasaherong nagkukunwaring tulog, nagttxt, may kausap sa phone, taga-abot ng bayad at kung anu-ano pang pagkakabusyhan. Basta’t hindi lang mahalatang di pa siya nagbabayad.



Bukod dito, may iba pang uri ng pasahero sa jeep. Idagdag ko nalang sila dito sa mga sumusunod na araw.
Sino ka kaya sa mga toh? :P

0 comments:

Post a Comment