Wednesday, February 15, 2012

Alamat Kung Bakit Sinungaling Ang Mga Lalaki


This is a funny story, nakakatuwa sya kasi my moral lesson din. hahah Girls, you must read this, para maintindihan nyo naman kami minsan. :)
-----------------------------------------------------------------------


Karpintero itong si Juan at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog.
Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian Angel niya, "tutulungan kita,
Juan".. .sabay lundag sa ilog.
Lumabas ito na me hawak na Gold hammer, "ito ba ang martilyo mo?" ...
"hindi po".....
Lundag uli ang Anghel at lumitaw na me Silver hammer, "ito ba?"..."hindi po"...

Lundag uli sa ilog ang Anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "ito
ba?"..." Opo"
...natuwa ang Anghel. "Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo
na rin ang Gold at Silver hammer"...

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Juan sa may ilog at kasama ang
Misis niya.
Eh sa hindi inaasahang pangyayari, nalaglag si Misis sa ilog...
iyak si Juan, at Litaw si guardian Angel, "tutulungan kita"...sabay
lundag sa ilog at nang
lumitaw eh kasama si Marian Rivera, "ito ba ang misis mo?"...sagot si
Juan, "Opo"
......nagalit si anghel, "sinungaling ka. Akala ko pa naman mabait ka"....

Nag- reason-out si Juan, "sorry po, Angel...kasi kapag sinabi kong
'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig
at pag-litaw mo eh kasama mo si Katrina Halili.
At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at
ang tunay na Misis ko na ang kasama mo.
At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Marian at Katrina.

Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya'Yes'
na lang ang sinagot ko nung una.

Moral of the story:
Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki, Eh, for a good and
noble reason. (thumbs up!) :)

0 comments:

Post a Comment